Sa ngayon po ay sinususpinde namin ang pagpapadala ng mga interpreter. Kung nangangailangan ng boluntaryong interpreter ay maaaring gumamit ng interpreter sa telepono.

Paano ang pag-gamit

Numero ng telepono: 070-3774-9329
Hindi kailangang magpareserba ng maaga. Ngunit, para sa mga serbisyong medikal ay kontakin po lamang ang Shimane International Center para maging madali ang pag i-interpret.

Araw at oras ng serbisyo

Lunes hanggang Biyernes 9:00 am – 5:00 pm
(Maliban sa mga nasyonal ng walang pasok at mga araw na walang pasok simula ika-29 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero)

Bayad

Libre (may charge po ang tawag)

Sino ang maaaring gumamit ng serbisyo

  • Dayuhang residente
  • Administratibong ahensya
  • Institusyong Medkal
  • AT iba pa

Nilalaman ng interpretasyon

  • Medikal (interbyu, Konsultasyon, Pag-babayad, Inspeksyon, Proseso ng pag-papaospital at pag-labas ng ospital, Paraan ng pag-inom ng mga gamot etc.)

* Pag-tatranslate para sa plano ng pag-gamot (eksplenasyon ng pag-opera, eksplenasyon ng anestisya, at iba pa) at informed consent ay hindi maaari.

  • Welfare (Pag-bisita sa tahanan, pag-babakuna, eksplenasyon ng medikal, at iba pa.)
  • Administratibong tanggapan (pamamaraan sa city hall, pamamaraan sa license center, final tax return, at iba pa.)

* Sa license center ay may mga pagkakataon na kakailanganing mag-sama ng interpreter. Ang mga boluntaryong interpreter sa Shimane International Center ay hindi maaaring gamitin.

  • Edukasyon (interview ng magulang at anak, katulad ng pagpapaliwanag tungkol sa eskwelahan, at iba pa.)
  • At IBA pa

Gayun pa man, iwasang gumamit ng mahirap intindihing salita.
Kung meron po kayong mga katanungan tungkol sa nilalaman ng interpretasyon na nakasulat sa itaas, ay huwag pong mag-atubiling kontakin ang Shimane International Center.

Mga Suportadong lengwahe (20 na lengwahe)

Ingles, Tsino, Tagalog (Philippines), Portuguese (Brazil), Vietnamese, Korean, Nepali, Indonesian, Thai, Spanish, Myanmar, Khmer (Cambodia), Russian, French, Malay, Mongolian, Sinhala, Hindi