【Para sa pagbubukas ng klase sa Hulyo】JICE Kurso ng wikang Hapon gamit sa trabaho (libre)
Posted
Impormasyon mula sa Japan International Cooperation Center (JICE).
Maaari mong pag-aralan ang “wikang Hapon para sa trabaho” sa Izumo City nang walang bayad.
Target
Ang mga dayuhan na nakatira sa Japan na mayroong mga sumusunod na visa:
- Permanent resident
- Spouse or child of Japanese national
- Spouse or child of Permanent Resident
- Long-term Resident
Tungkol sa kurso
Antas 1 (numero ng kurso 275) 20 katao
Ang kursong ito ay para sa mga taong ngayon palang mag-aaral. Nakakapag salita ng kaunting wikang Hapon, nahihirapang magbasa at magsulat ng hiragana at katakana.
- Panahon: Ika-30 ng Hulyo 2024 hanggang ika-22 ng Oktubre 2024
- Petsa at oras: Martes, Miyerkules at Biyernes 9:00am – 12:00pm
- Lugar: Acty Hikawa
≪Panahon ng aplikasyon≫ Mula ika-11 ng Hunyo 2024 hanggang ika-16 ng Hulyo 2024
≪Level Check Test≫ Mula ika-23 ng Hulyo 2024, 9:00am (Lugar: Acty Hikawa)
Aplikasyon
Mag-apply po lamang sa pinakamalapit na Hello Work.
* Kung maraming aplikasyon, maaaring maagang matapos ang pag-tanggap.
<Ano-ano ang dadalhin>
- 1 larawan (3 cm ang lapad x 4 cm ang haba)
- Residence card o pasaporte
Paalala
★ Siguraduhin po lamang na kumuha ng pagsusulit para sa pagsusuri ng antas. Depende sa mga resulta ng pagsusulit, maaaring hindi ka makatanggap ng pagsasanay.
Ano dadalhin: Lapis at pambura
Organizer
Japan International Cooperation Center (JICE)
Para sa iba pang impormasyon
Hijioka Haruka
TEL:080-4336-0397 (Wikang Hapon / Portugues)