Magsasagawa kami ng klase ng suporta sa pag-aaral para sa mga batang ang pinagmulan ay ibang bansa.

Ang mga boluntaryo sa silid-aralan at mga mag-aaral sa unibersidad ay susuportahan ang pag-aaral ng mga bata! Sama-sama tayong mag-aral!

Libre ang pagsali.

Ano ang maaaring gawin sa silid-aralan ng suporta sa pag-aaral

Pag-aaral ng wikang hapon

Maaari kang mag-aral ng wikang hapon na ginagamit sa paaralan sa pamamagitan ng pag-aaral gamit ang textbooks na wikang hapon at pagsasanay sa pakikipag-usap.

Pag gawa ng takdang aralin

Maaaring magtanong sa mga boluntaryo at estudyante sa unibersidad tungkol sa mga bagay na hindi mo naiintindihan.

Paghahanda sa klase/Pag-babalik-aral

Maaaring gumamit ng mga aklat-aralin at workbook upang suriin ang mga kahulugan ng mga salita at mga nilalaman ng pangungusap.

Pakikipag-ugnayan

Maaaring makipag-usap at makipag-ugnayan sa mga kalahok na ang pinag mulan ay sa ibang bansa, sa mga estudyante sa unibersidad, at sa mga boluntaryo.

Sino ang mag-tuturo sa pag-aaral?

Mga boluntaryong nagtuturo ng wikang hapon at mga estudyante sa unibersidad, mga boluntaryo na dating guro sa paaralan, magtuturo sila gamit ang madaling wikang hapon !

Araw ng konsultasyon (para sa mga magulang)

Maaari kang kumonsulta at makipagpalitan ng impormasyon gamit ang iba’t-ibang wika.

Sino ang maaaring sumali

Mga batang ang pinagmulan ay ibang bansa

  • Elementarya
  • Junior high school
  • Mga batang nakapagtapos sa Japan o sa ibang bansa ng junior high school at gustong pumasok sa high school
  • Senior high school

Kapasidad :10 estudyante bawat sesyon (first-come first-served po lamang)

Paano ang mag-aplay

Para sa mga kasali dati

Mangyaring basahin kung paano gamitin ang silid-aralan ng suporta sa pag-aaral at mag-apply para sa pag-sali mula sa Microsoft Forms.

Para sa mga ngayon pa lang sasali

Mangyaring basahin kung paano gamitin ang silid-aralan ng suporta sa pag-aaral at mag-apply para sa pag-sali at magparehistro bilang isang mag-aaral mula sa Microsoft Forms.

Paano gamitin ang learning support classroom (Abril 2024)

Aplikasyon para sa mga sasali (Microsoft Forms “Mangyaring pumili ng wika sa kanang itaas ng application form”)

  • May – July 2024 Participant Application Form
  • 2024 Bakasyon sa tag-init Participant Application Form
  • Setyembre – Disyembre 2024 Form ng Aplikasyon ng Kalahok
  • 2024 Bakasyon sa taglamig–Pebrero 2025 Participant Application Form

Rehistrasyon para sa estudyante (Microsoft Forms “Mangyaring pumili ng wika sa kanang itaas ng application form”)

2024-2025 Student Registration Form

Petsa at Lugar ng klase

Spring (Mayo-Hulyo)

  1. Ika-12 ng Mayo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo Civic Hall 304 Study Room
  2. Ika-19 ng Mayo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Hikawa Library Audio-Visual Hall
  3. Ika-26 ng Mayo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Hikawa Library Conference Room
  4. Ika-2 ng Hunyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo Civic Hall 202 Multipurpose Room
  5. Ika-9 ng Hunyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo City Hikawa Library Audiovisual Hall [Araw ng Konsultasyon para sa mga magulang]
  6. Ika-16 ng Hunyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo City Hikawa Library Conference Room
  7. Ika-23 ng Hunyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo City Hikawa Library Audiovisual Hall
  8. Ika-30 ng Hunyo (Linggo) 1:30pm – 3:30pm Izumo City Naoe Community Center Meeting Room
  9. Ika-7 ng Hulyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo City Hikawa Library Conference Room
  10. Ika-14 ng Hulyo (Linggo) 2:00pm – 4:00pm Izumo City Hikawa Library Conference Room

Tagalog

Tag-araw (bakasyon sa tag-init)

Autumn (Setyembre-Disyembre)

Tag-lamig (Disyembre-Pebrero)

Ibang paraan sa pag-sali

Para sa mga hindi makakapunta sa lugar, ay maaaring sumali sa online (Zoom).

Para sa mga gustong sumali, tuturuan po namin kayo kung paano sumali, kontakin po lamang kami sa telepono (070-3774-9329) o e-mail (kodomo@sic-info.org)

Subsidy

Ang proyektong ito ay tinutustusan ng Council of Local Authority for International Relations (CLAIR) Multicultural Community Development Promotion Project.